Para Kay B Quotes
Here’s the proposition, “May quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya.” Kung totoo ngang may quota ang pag-ibig, sa apat kong kaibigang sawi, hindi kaya ako ang isa sa limang magiging maligaya?

Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.
Ang iba’y iibig sa maling panahon, umibig noong 1980s, nakipagmartsa sa mga aktibista, pero ang taong nakatakda para sa kanya ay nabuhay noon pang 1930s, isang rebelde laban sa mga Amerkano, matagal nang namatay. Kaya she keeps on falling in love sa mga lalaking mas matatanda, hinahanap sa kanila ang di mahanap na wala, hindi mapagtagpo ang kahapon at ang kasalukuyan.
May mga pusong pinaglalaruan. Nasa parehong building ng call center but they will never erealize that they are on the same floor. Maski parang laging may strange force na humihila sa kanila para tumingin sa kabila ng building. Kailanman ay di sila magtatagpo. Tanungin man siya ng boyfriend niya kung ano iyong lagi niyang tinitingnan sa kabila ay di niya masasagot. At kailanman ay di na niya malalaman dahil eventually ang lalaki ay lilipat sa ibang lugar, at siya, hanggang sa mamatay, di na niya malalaman kung sino nga ba iyong nasa kabila.
Merong pinalad na nagkakilala, nagkaiibigan at nagsama. Pero sa di malamang dahilan ay iniwan ng babae ang lalaki. Mabubuhay ang lalaki sa walang hanggang paghahanap. Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang babae dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.
Merong away nang away kapag magkasama pero hindi naman makaya ang magkahiwalay. Merong relihiyon ang humaharang, o katayuan sa buhay, o mga magulang. Merong sila mismo ang gumagawa ng harang.
Merong umiibig na habang nagtatagal ay lalong nawawalan ng IQ. Merong pag umibig ay napupundi ang 4 out of 5 senses, touch na lang ang natitira. Merong ang tingin sa pag-ibig ay tali. Merong di makahakbang dahil sa pag-ibig, at meron namang nakakalipad.
Ang great love mo, hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay yung correct love.
Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at lanluran ng kanyang paniniwala. Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na. Pero, the memory of that one great but broken love will still sustain you, tama nga na mas matindi ang mga alaala.
Kakabog ang dibdib mo, kikiligin ang kalamnan mo at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, umiibig ka.
-
thegailychum liked this
-
tadongdaniel liked this
-
lalamiii reblogged this from ronald-gem
-
j-sson liked this
-
ronald-gem posted this


