Defying Entropy.

A Mother’s Story Quotes

A Mother’s Story is a 2011 Filipino family drama film about Medy (Pokwang) who became an illegal immigrant in the United States and her struggles as she achieves legal status. The film deals with what the OFWs go through in the United States. This is the first film produced by The Filipino Channel and distributed ABS-CBN International and Star Cinema.

 

Isa palang mahabang paglalakbay ang pagiging ina.

Basta masipag ka lang kumayod, lahat ng gusto mo, mabibili mo.

Ganun pala ‘pag ina ka. Kapag naninimbang ka, ang laging mananaig ay ang kapakanan ng mga anak mo.

I’m a mother too. I know what it’s like to be far from your children. I don’t know how you Filipinos bear it. It must be hard.

Illegal alien ka… In short, ni katiting, wala kang karapatan dito sa Amerika. You don’t exist.

Diba sabi ko na darating rin ang araw na ma-kokompleto kayo? Ito na ‘yung araw na yun, anak. Kaya masaya na tayong lahat.

Hindi ko na alam kung sa’n napunta ang tapang at lakas ko. Habang lumilipas ang panahon, para bang tiniis ko nalang lahat ng pagod ko sa garantiyang buwan-buwan akong makakapagpadala sa inyo.

Oo, nagkamali ako ng desisyon na manatili sa Amerika. Oo, pinabayaan ko kayo gaya ng pa-ulit ulit na pinamumukha mo sa akin. Oo, illegal ako sa Amerika pero kahit kailan, hindi ko kayo inabandona. Hindi ako naging masamang ina.

Ina ka rin. Lahat lahat gagawin mo para sa kinabukasan ng anak mo, diba?

Hindi ko naman sinadyang saktan kayo eh. Mas lalong hindi ko ginustong iwanan kayo. Kahit kailan, hindi kayo nawala sa isipan ko. Kahit kailan, hindi kayo nawala sa puso ko.

Kahit wala si Gerry, kumpleto pa rin kaming matatawag dahil sa bandang huli, magkasama pa rin kami ng anak ko.

Hindi ‘nay. Hindi. Kami ang nagkamali. Kami yung bumigo sa inyo. Hindi namin inisip na kayo yung nahihirapan. Kayo yung nakipagsapalaran. Kayo yung nagsakripisyo. Nay, binigay niyo yung buhay niyo para sa amin. Nay, salamat ha?

Ang pagiging isang ina ay hindi lang pala nagsisimula sa pag-silang ng iyong anak. Kung hindi habang nasa sinapupunan mo palang, sa unang tibok ng kanyang puso. At hindi nagtatapos sa pagiging ina hanggab’t nabubuhay ka at ang iyong mga anak. Ikaw pa rin ang nag-iisang ina nila saan ka man mapadpad. Kasi ang anak, pwede maging marami. Pero ang iyong ina, nag-iisa lang sa buhay mo.

  1. pinayprincesa reblogged this from ronald-gem
  2. ronald-gem posted this